top of page
Search
Writer's pictureAriel Garcia

Makabagong Paraan ng Paglilinis ng Basahan

Kanina nakahiram ako ng pressure washer sa isang kakilala ko. Sabi ko gagamitin ko paglilinis ng mga screen.

Kaya lang, nakaka-enjoy pala gumamit ng pressure washer. Talaga namang linis agad ang dumi. Try mo rin at siguradong mari-relax ka.

Eto ngayon ang nangyari. Dahil konti lang naman ang screen namin sa bahay, madali akong natapos. Bitin ang paggamit. So naghanap ako ng matitira pang lilinisin.

E nakita ko yung mga basahan (door mat sa iba). Naisip ko, try ko kaya dito? Why not coconut di ba?

Binanatan ko ngayon yung isa!

Ay sus! Tanggal ang dumi. Tingnan nyo naman ang picture. Hindi ko na kailangang i-brush pa hehehe.

Ang hindi ko naisip agad dapat pala ibinabad ko muna sa sabon. Baka mas madaling matanggal ang dumi. Next time ganun gagawin ko.

Pero promise, masaya talaga.

Baka meron kayong ipapalinis din sabihan nyo lang ako bago ko isoli sa may-ari.


37 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page