top of page
Search
Writer's pictureAriel Garcia

'Matic o Manual?

Kanina nakausap ko yung isang kakilala ko.


Meron s'yang 2 sasakyan (actually sa anak nya yun, kaya lang walang maayos na parking sa bahay ng anak nya kaya sa kanila ipinaparada).


Yung isa model 2000, manual transmission, at yung isa naman model 2018, automatic.

Tinanong ko s'ya kung bakit hindi nya ginagamit yung model 2018. Bakit kako parang mas gusto nyang gamitin yung lumang modelo?Ang sagot nya sa akin, 'e kasi automatic yun e'.


Napaisip tuloy ako.

Yung model 2018 bukod sa automatic, all powered pa. Power window, power steering, may LCD touch screen, maganda ang sounds, sobrang lamig ng aircon, may dashcam, may sensor sa harap at likod, 7 ang air bag, etc. Diesel pa kaya matipid.


Sobrang daming features!


Yung isang kotse marami ng kalampag, hindi kalakasan ang aircon, matigas ang manibela, old model ang stereo, at minsan kailangan 'kadyutin' pa para mag-start. Gasolina naman ang gamit nito so mas mahal.


Kaya nagtataka ako kung bakit mas gusto nya talagang gamitin yung lumang sasakyan.

Habang pauwi ako ng bahay, parang naririnig ko pa ang mga dahilan nya kung bakit mas preferred nya yung manual kesa automatic.

•Mas gusto nya ang manual kasi mas sanay sya dito.

•Hindi nya alam gamitin yung mga features ng modelong sasakyan

.•Baka daw mailipat nya ang kambyo habang tumatakbo ang sasakyan

•Kesyo ganito, kesyo ganoon, etc.


Naalala ko tuloy yung isang article na nabasa ko.


Marami raw talaga ang nagiging kontento na sa kung ano ang nakasanayan nila kasi safe sila dun.

Meaning pag ginawa nila o ginamit, alam nila ang magiging resulta. Natatakot silang sumubok ng bago kasi lalabas sila sa 'comfort zone' nila. Hindi sila at ease na merong mababago sa routine nila.


Marami pang ibinigay na dahilan sa akin yung kakilala ko kung bakit ayaw nya ng bago. Ang konklusyon ko, sarado na ang isip nya! Kahit anong sabihin kong benefits ng paggamit ng bagong kotse, hindi na tinatanggap ng isip nya.


Well, to each his own sabi nga ng iba. Kanya kanya ng preference. Walang basagan ng trip.


Sayang lang kasi ang ganda ng porma (in other words, gusto ko i-try gamitin hahaha).


E ikaw ba, ano'ng mas gusto mo? 'Matic o Manual?


49 views0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


bottom of page