top of page
Search
Writer's pictureAriel Garcia

Ano Ang Pinakamabentang Produkto Ngayon?

Dito sa lugar namin uso ang mga naglalako ng mga paninda. May pumapasok na motor na may sidecar kung saan nakalagay ang mga paninda nila. Kahit prutas, buko, walis, puto, isda, etc.


Napapaisip ako bakit ganun ang mga tinda nila. Malaki ba ang kita sa prutas? Pero bakit yung isa buko naman. Yung isa puto. Alin kaya talaga ang mabenta?

Minsan nakausap ko yung kakilala kong naglalako ng buko. Tinanong ko sya kung bakit yun ang napili nya. Ang sagot nya, ‘Malapit kasi kami nakatira sa bagsakan ng buko’.

Nung nakausap ko naman yung nagtitinda ng puto, sabi nya ‘kapitbahay lang kasi namin ang nagluluto nyan’.

So, posible pala ang ganoon. Dahil may access sila sa suppier, yun ang napipili nilang ibenta.

Pero ang nag-sink in sa akin ng husto ay yung sinabi ng isang kakilala ko. Yung nagtitinda ng isda. Sabi nya ‘Kasi Kuya pag hindi ko naubos ang tinda ko, may pang-ulam PA RIN kami’. Ibig sabihin, pag naubos nya ang tinda nya, malaki ang tubo at makakabili sya ng gusto nyang ulam. Pag hindi naman, e di isda ang ulam nila.

Makes sense nga naman. Kumakain tayo ng at least 3 beses sa isang araw. Maganda syempre may variety din. At hindi naman mabuti sa katawan (at bulsa na rin) kung puro karne ang kakainin mo. Win-win situation para sa kanya.

Kaya kung magbi business ka, maganda yung hindi masasayang pag hindi mo nabenta. Kung supplement ang products mo, maganda rin kung ikaw mismo ay pwedeng mag-take para pag hindi mo nabenta, kahit wala kang kita, at least healthy ka. Kung beauty products naman, at least magiging maganda ka. Walang tapon ‘ika nga. Panalo ka uli!

Tama ba? O tamang tama?

Ngayon ang iniisip ko yung nagtitinda ng taho. Paano pag hindi nya naubos ang paninda nya? Pwede bang iulam ang taho?

Pakitype mo yung opinyon at paninindigan mo.


214 views0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


bottom of page