top of page
Search
Writer's pictureAriel Garcia

BILI NA PO KAYO

Nakakita ka na ba ng batang nagtitinda sa kalsada?


Iba-iba sila ng inilalako. Merong sigarilyo, chicharon, kendi, marami pang iba, at kagaya nya, sampaguita.

Natutuwa ako na naaawa sa kanila. Imagine mo ba naman sa murang edad e naghahanap-buhay na sila. Marunong ng dumiskarte para mabuhay.


Nakakaawa rin kasi sa murang edad e naghahanap-buhay na sila. Sa halip na maglaro na dapat ginagawa ng isang bata, napipilitan silang makipagsapalaran sa gitna ng kalye.


Ang hirap kaya ng ganun. Sa liit nila baka hindi mapansin ng motorista na nasa harap, gilid, o likod na sila ng sasakyan. Sobrang delikado para sa kanila, ‘di ba?


Pero….. napansin mo ba ang isang bagay? Panoorin mo sila minsan at makikita mo.


Kapag meron silang nilapitan at inalok nila ng kanilang paninda, hindi naman lahat ay bumibili ‘di ba?

So ang gagawin nila ay lilipat sa iba at dun naman mag-aalok. Pag ayaw, lipat uli. Pag napagod, uupo muna sa gilid at magpapahinga. Tapos, tuloy na uli sa pagtitinda.


E bakit yung iba, nung pumasok sa negosyo, iba ang nangyayari? Alam naman nila na may kasamang ‘selling’ yung pinasok nila. Power na power nung una. Sobrang sigasig pa nga. Tapos nung na-reject ng isa, dalawa, tatlong beses, pati sya umayaw na rin. Mahirap pala anya.


Well, sabi nga ng kasabihan, ‘quitters never win’. ‘Ang umayaw, talo’.


Sana gawin nya na lang inspirasyon ang mga batang kagaya nito. Hindi sumusuko.


Pwede namang magpahinga pag napapagod.


35 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page