top of page
Search
Writer's pictureAriel Garcia

Ano'ng Favorite Mong Sports?

‘Mobile Legend!’ sabi nung isang bata.


Hala! Sports na ba ngayon ang mga laro sa gadgets at computer?


Nung bata pa ako, syempre hindi mawawala ang paboritong laro ng mga pinoy, ang basketball. Naglalaro kami kasama ko ang mga kababata ko. Pero pag hindi kami makasingit sa basketball court, baseball o di kaya tumbling (parang gymnastics na pangkalye) ang uso sa mga batang lalaki. Minsan naman ‘habulan’. Well, aaminin ko na nakapaglaro din ako ng mga paborito ng mga babae. Magaling kaya ako sa Chinese garter at piko dati, hahaha.


Ngayon, balik tayo sa tanong. Ano ang paborito mong sports? Laruin ha, hindi papanoorin lang.


Bakit ko ba naitanong ito? One reason is halos lahat ng parents na nakakausap ko, meron silang hinaing na yung mga anak nila, pamangkin, apo, anak ng kakilala, ay hindi na halos maawat sa paglalaro sa mga gadgets nila. Mabuti na lang at sa mga kakilala ko e hindi pa nangyayari yung kagaya sa mga napapabalita na nabulag, naging palasagot sa magulang, napabayaan ang pag-aaral, nagkasakit, etc., etc.


Dito malaking bagay pag ang anak mo ay mahilig sa sports. Uulitin ko lang, laruin, hindi papanoorin. Bukod sa maganda sa katawan, nagkakaroon talaga ng disiplina ang bata. Natututong mag-time management sa murang edad. Nai-instill din sa bata ang pagsunod sa mga utos at turo ng coach o person of authority. Nagkakaroon sila ng pagkakataong makipag-socialize sa mga kapwa nila player. In short, natututong makibagay sa kapwa. Isama mo pa ang pagtulog sa tamang oras, at ang pagkain ng masustansya. Malaking bagay din ang pag-endure sa mga drills and exercises kasi hindi sila basta-basta sumusuko kahit nahihirapan.

At ang mga katangiang ito ay kailangan ng mga bata pagtanda nila.


Siguro naman agree ka na hindi maganda na sasagut-sagutin ka ng anak mo pag nasisita mo sila? O kaya naman, puro softdrinks, chichirya, at processed foods ang gustong kainin. Natatakot makipag-usap kahit sa kapwa bata. Pag sinabi mong matulog na at may pasok pa kinabukasan, magagalit pa sa ‘yo. Minsan, konting pagod at sakit lang dadaing na, hihinto na at magpapa’saklolo’ na kay mommy o kay daddy. Give up na agad.


Para sa akin, inihahanda ka ng sports sa totoong laban ng buhay.


Chad in action. Way to go Chad!!!

Kung naghahanap ka ng magandang sports para sa anak mo, try mo ang badminton. Magandang bonding na rin ng pamilya.

68 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page