top of page
Search
Writer's pictureAriel Garcia

Batang Entrepreneur

Dahil kailangan ni mrs. ng gulay na pangsahog sa lulutuin nya, napalabas kaming 2 nung may marinig kaming sumisigaw sa labas. Nagulat ako ng makita ko yung nagtitinda. Bukod sa kakilala ko sya, e talaga namang napakabata pa nya. ‘Kaibigan ko ang mga magulang nito ‘kako

Bata pa lang pero may business mindset na s'ya.

. At alam ko hindi naman nito kailangang magtinda kasi hindi naman sila ang tipong ‘naghihirap’.

Naalala ko ang sinabi sa akin ng nanay nya nung minsang nagkausap kami. Talagang mahilig daw yung bata magtinda. Sa halip na humihingi ng pera sa kanya, ang gusto ng bata ay ‘magtrabaho’ para may sarili syang pera.

At dun ako napaisip. Meron talagang maaga pa lang sa buhay nila ay malalaman mo ng magiging negosyante sila pagdating ng araw. Kasi sa murang edad e na-experience na nila kumita ng pera.

Nakakatuwa silang tingnan!

Alam mo ba ang advantage pag ganitong bata ang nagtitinda? Mahihiya at maaawa ka kaya hindi ka basta-basta tatawad.

May kwentong entrepreur ka ba? Share mo rin dito.

123 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page