top of page
Search
Writer's pictureAriel Garcia

Kailangan Bang Sumunod Sa Uso Ngayon?

Maganda ba pag lagi kang nasa uso? I mean, pag may bagong labas na gadget e kailangan mong mag upgrade agad? O kung uso ang ganitong style ng damit ay kelangan mo ng bilhin?


Well, ok lang kung may maibibili ka. Paano kung on credit? Mahirap din di ba?


Sa usapang business, may mga pros and cons din yan.


Magne-negosyo ka ba ng matagal ng nauso e marami ka ng kakumpetensya nyan? May mga tao na kapag bagong labas ang isang bagay ay kinasasabikan. Excited sila na ma-try.


On the other hand, kung matagal na sa market, ibig sabihin ay tested na. May track record na. Napatunayan na. Ibig sabihin, pag ginawa mo rin ay malamang makuha mo rin ang result ng mga nakasubok na. Nasabi kong malamang kasi hindi naman pare-pareho ang kapalaran ng tao. Pwedeng gumana sa iba at sa 'yo ay hindi.


Kung sabagay, ganyan talaga ang business. Lahat ay may risk.


Merong nagsabi, kapag ginawa mo ang isang bagay na passionate ka, hindi ito magiging mabigat para sa 'yo. Yung mga challenges na normal na dumarating sa atin ay madali mong malalampasan dahil hilig mo nga e.


So, ano ang stand ko dito? Sa dati ba o yung nasa pioneering stage?


E what if, pagsamahin mo yung 2? Bagong company pero same line of products? Kung ito ang passion mo bakit hindi?


Panibagong challenge pero 'yan ang nagpapakulay sa ating buhay. Kung wala nyan e di boring na. Wala naming mawawala kung subukan. Paano kung ito na pala ang hinihintay mong breakthrough?


Ngayon balik tayo sa topic. Kailangan bang sumunod sa uso?


Uso trangkaso ngayon..... peace.



71 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page