Kanina may nakita akong kakilala sa talipapa. Ang bilis nyang maglakad. Dire-diretso sya sa isang tindahan. Hindi na sya nagtitingin sa ibang mga nadaanan naming tindahan. Nagkataon dun din sa tindahan na yon ako bibili.
Nung tinanong ko sya kung bakit dun sya dumiretso, ang sagot nya sa akin ay ‘suki ko kasi yung may-ari’.
Tapos nang makapimili na sya, nag-abang na sya ng pedicab. Ilan na ang dumaan na walang pasahero pero hindi pa rin sya sumasakay.
Tinanong ko sya uli, ‘bakit hindi ka pa sumasakay’?
Ang sagot nya sa akin, ‘hindi ko kasi kilala yung driver’.
Dun sa sagot nya, napaisip uli ako. Teka kako, ganito din ang sinasabi nung mga pina-follow kong mentors sa online marketing a. Yung mga customers ay dun bibili sa taong kilala nila, gusto nila, o pinagtitiwalaan nila.
People they LIKE, KNOW, & TRUST.
May peace of mind ka na ang ibibigay sa ‘yo ay yung ‘the best’. The best quality, best price, makakakuha ka ng best deal, best service, at iba pang best. Kampante ka na hindi ka lolokohin. Pwede kang makipag-bargain, makipag-kwentuhan, biruan, baratan, at pagkatapos ng lahat ay nakangiti kayong maghihiwalay.
Oo nga ano? Tama talaga e. Kasi kaya kami nagkita sa tindahan e ‘kakilala’ ko rin yung may-ari.
Comments