top of page
Search
Writer's pictureAriel Garcia

Yung Aso, Nanghahabol

Sa lugar nyo ba meron ding aso na pagala-gala sa kalsada? Yung tipong walang may-ari at kung saan-saan lang kumakain at natutulog? Tapos minsan, sa hindi maipaliwanag na dahilan, e bigla na lang manghahabol.


Sa amin kasi meron. Ipinagtanong na namin kung sino’ng may-ari pero walang makapagsabi kung kanino. Baka makakagat e malaking perwisyo pa. Buti sana kung iba hehehe, paano kung ikaw ang nakagat? Ilan bang injection ngayon ang kailangang bunuin pag nakagat ng aso?


Ok lang naman sana kung magpagala-gala sya sa kalsada. Sanay naman tayong makakita ng ganyan. Pero hindi talaga maganda pang nanghahabol na.


Para din yang pag binebentahan ka. Di ba pag sa department store kahit nagtitingin ka lang at meron agad lumapit sa ‘yo para alukin ka, hindi ok di ba? Minsan naman pagpasok mo pa lang sa mall e merong mga sumasalubong sa ‘yo at kakausapin ka para bigyan ng mga freebies kuno pero may iaalok pala sa ‘yo. Naiintindihan ko na trabaho nila yon pero nakakainis minsan.


Sabi nga ng kakilala ko, mainam pa raw e give something of value muna (iexplain mo lang muna ang mga benefits na makukuha nila kung sakaling bibilhin nila yung product). I-post mo sa FB, o mamigay ka ng flyer tungkol sa magandang maidudulot ng offer mo. Magparamdam ka lang na nandyan ka para in case may katanungan sila e masasagot mo. Lagi ka lang mag-iwan ng ‘call to action’ e.g. (call/text me at 09330466527, email me at arielg826@yahoo.com, message me at www.facebook.com/arielg826, visit my website at https://arielg826.wixsite.com/marketingtools).


Ang dami nyan! Pag hindi mo pa naman nagets ang ibig kong iparating sa post na ito ewan ko na lang.


Ang pinaka lesson nito ay wag kang manghahabol. Hindi ka aso. (peace)


35 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page